Alas dos na ng madaling araw at mamayang 8:00 am ang pasok ko pero hindi pa rin ako natutulog. Natapos ko na yun article ko para sa Press Law na inabot ng kung ilang oras bago ko matapos dhil lagi kong sinasabayan ng kung ano ano. Andalas maghang nitong laptop ko, buset kasi tong chrome eh ayaw mabuksan ng facebook. Argh. Pero ayoko rin syepmreng masira tokayang iniingatan ko naman.
Ang sabi ko kanina sa sarili ko yung article at assignments ang gagawin ko pero yung article lang ang nagawa ko kasi ayaw mabuksan ng wikipedia. Walangya. andami ko pang hindi nagagawa atang akala nila nanay eh puro school work ang ginagawa ko, nakakakonsensya naman dahil hindi nila ko pinagbantay ng tindahan at panagawa ng gawaing bahay tapos ang makikita lang nilang grade sa class crads ko ay tres o kaya 2.75. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magwang mag focus sa iisang bagay. May ADHD ba ako? at kelangan ko ng gamutin? Dati naman nung wla pa kaming computer eh inaabot lag ako ng higit sa isang oras sa comp shop sa paggawa ng assigns at ngayon kung kelan may net at computer na sarili na ako tska naman ako nagloloko sa pag-aaral. Buuseet talaga. Ano ba ang mabisang paraan para maging consistent sa lahat ng pinapangako ko sa sarili ko?
Last week, galit si nanay saken pati na lola ko. Kasi naman tinakasan ko yung picture taking ng mga kabataan. Eh kasi namaan, hindi namin ko close yung mga kabataan dun tapos nakaka OP pa yung mga kasama dun kasi sila close silang lahat. Well, kasalanan ko din naman yun eh kasi hindi ako palasama sa kanila sa bible study at mga activities sa church. Kaya ayun pati mga pinsan ko nahahawa na sakin na ayaw na ring sumama sa picture taking. Ako tuloy ang bad influence. -__- Sasama naman ako sa kanila kung kaibigan ko sila. Kaso hindi eh. Hehe Feeling ko tuloy last week eh galit din sakin si Lord. T.T pero nakahingi na ko ng tawad sa kanya. Promise I’d try to be good from now on.
Tapos na kong gumawa ng narrative report sa Press Law, kung report bang matatawag dun sa ginawa ko kasi ang iklii. -__-
Andami kong gagawin ngayong weekend. At lulubos lubosin ko na ang net ngayon dahil pagdating ni Daddy Dudes ay baka mag load na lang kami. Hehe. Magdodownload ng movies, kanta at magboblog.
Ang ayoko sa sarili ko eh yung kawalan ko ng sense of humor. Pag nakikipagkwentuhan ako sa mga kaklase o kaibigan ko laging ako yung taga-tawa pero hindi ak yung joker at bumabanat ng mga bentang linya. Ang hirap pag ganun kasi nagiging lame yung magandang kwentuhan pag katulad ko ang kausap. Naiinis ako sa sarili ko minsan kasi ang tactless ko lang. Argghh. Sana maging mas kalog na ko. Hopefully. *sigh*
Feeling ko wala akong nagawang tama ngayong araw. Though medyo OA to, pero yun talaga ang feeling ko eh. Napagsabihan kami ng prof namin na maingay at nadistract sya sa kanyang pagsasalita dahil nagdadaldalan kami. Hindi naman sya galit, pero feeling ko ang laki ng kasalanan ko at hindi gaanong masaya ang school ngayong araw. Birthday pa naman ng favorite kong kapatid.
Pwede bang pakisama na sa pananalasa nyo ang mga prof namin na sabay sabay kung magpagawa ng term papers. Akala yata nila kalahi namin si superman pag gumagawa ng projects. Nakakainis lang. :/
BIgla kong namiss ang high school life ko.